Bago basahin ang post na ito, basahin muna ang analog TV: CLICK.
Dahil nga sa mga naiulat nating mga problema sa analog TV, nabuhay at nagkaroon ng panibagong sistema para sa television broadcasting, ang digital TV. Sa DTV, digital na ang signal natin. Hindi na natin maihahalintulad ang signal nito sa analog signal natin na sine wave. Para na itong hagdan, 1 at 0 lang ang signal. Ano ito?
Ang DTV ay all or nothing. Kapag mahina ang signal, wala ka na kaagad mapapanood, kapag meron, ay meron. Di siya katulad sa analog na pwede pa ayusin yung antenna para lang makanood ng maayos at malinawan ang signal.
Mobility rin ang maganda sa DTV. Kahit bumabiyahe ka ay napakalinaw ng signal at napakasarap manood, walang snow, walang signal na hindi maganda. Kaso nga lang siyempre, all or nothing, pag nawala na ang signal, totally, wala ka nang mapapanood. Pwede ito sa mga TV sa loob ng sasakyan gaya ng mga bus.
Sa DTV kasi, pwede na rin maipagsama-sama ang mga channels sa iisang channel lang, gets? Kumbaga ang ABS-CBN at Studio 23, channels 2 at 23 ang gamit nila respectively. Sa DTV, pwede na maging iisang channel ang ABS-CBN at Studio 23. Iyon ang tinatawag na Multiplexing/Multicasting.
Bukod sa multicasting, maaari na ring mai-broadcast ang HD sa telebisyon, na hindi pwede sa analog TV. Mas crisp at mas sharper na ang mga palabas sa TV kapag HD.
Ang bago pang kaaaliwan sa DTV ay ang datacasting. Sa datacasting, habang nanonood ka for example ng weather news, pwede mo ring malaman ang mga data ng ibang bansa or ibang lugar. Sa sports din kunwari, habang nanonood ka ng basketball, eh pwede mong tingnan kung nakaka-ilang points na yung player, o yung buong team. Yun, interactivity ang dulot niya sa TV.
EPG o Electronic Program Guide. Meron actually nito sa cable TV. Sa DTV, meron na rin nito. Dito malalaman mo kung anong ipapalabas sa buong araw, bukas o kaya sa buong buwan.
Mas mapapadali na rin ang pay-per-view sa DTV, babayaran mo lang ang card na isusuksok mo sa DTV box mo at presto! Pwede ka na makanood ng mga PPV like Pacman fights o kaya naman PBB 24/7.
Bakit may DTV?
In-open ang DTV dahil sa pagbabawas ng frequency allotted for television broadcasting. Dito sa Pinas, hindi gaano karami ang mga local channels, di katulad sa ibang bansa na umaabot sa 40-50 local channels meron sila. Dahil nga sa maraming nagagamit na frequency, minabuti ng standardization companies na magkaroon na lang ng DTV para ma-normalize ang dami ng frequencies for television.
Sa Pilipinas, magiging UHF na ang bagong bahay ng telebisyon (from channels 14-83). Ang VHF ay maaari na gamitin para sa mga bumbero at pulis, o kaya naman sa pagkakaroon ng mga wireless broadband frequencies.
Paano ako makakasagap ng DTV?
Para makasagap ng DTV, kailangan ng STB o set top box na ikinakabit sa TV at kakabitan ng indoor/outdoor antenna. Ginagamit ang STB para sa mga TV na walang internal digital TV tuner, like yung mga present TVs na CRT at ibang LCD TVs. Kailangan din siyempre may “A/V Component” ang TV niyo, yung kinakabitan ng DVD player na may red, white at yellow na kable, o kaya “Composite” na may karagdagang “Y/Cb/Cr” na kabitan.
Para naman sa HD, kailangan ng may kabitan na “HDMI” ang STB at ang TV. Kung CRT ang TV niyo at “A/V component” lang ang kabitan, maaari niyo pa rin mapanood ang mga HD na broadcast pero hindi HD quality kundi downgraded SD ang kakalabasan ng programa.
Kung ang LCD TV niyo naman ay napaka-advanced, yung may built-in digital TV tuner na, pwes, di niyo na kailangan pa ng STB. Automatic, pwede na kayo makasagap ng DTV.
Anu-ano ang sistema sa DTV?
Sa ngayon, mayroon tayong 5 DTV standards na pinagpilian ng NTC para gamitin ng Pilipinas. Nagkakaiba-iba naman sila sa paraan ng pag-transmit ng digital signals at ang gamit nilang video, audio, at data file format.
- Una, ang ATSC o Advanced Television System Committee galing Amerika. Ito ang digital version ng NTSC. Sa ATSC, gumagamit sila ng 8VSB (8-layer Vestigial Sideband) na paraan ng pag-transmit at kaya nilang maglabas ng full HD at 5.1 surround sound sa TV. Pwede nga rin nilang pagsama-samahina ng 6 na subchannels sa isang channel, 1 MHz per channel. Ang kaso, wala pa silang mobile TV para sa cellphone.
- Ikalawa, ang DVB-T o Digital Video Broadcasting – Terrestrial ng Europe. Ito ang unang ginamit ng ABS-CBN para sa kauna-unahang DTV test sa Pilipinas. Digital version ito ng kanilang PAL analog TV. Pwede rin ito sa SD at HD setup. Gumagamit sila ng COFDM (Coded Orthogonal Frequency Division Multiplexing) na paraan. Meron silang mobile TV setup. Ang kaso, separate frequency ang ginagamit sa mobile TV, ang DVB-H (Digital Video Broadcasting – Handheld) which is hindi rin kapaki-pakinabang na mapa-normalize ang dami ng TV frequency.
- Ikatlo, ang DMB-T/H o Digital Multimedia Broadcast – Terrestrial/Handheld ng China. Bago lamang ito sa standardization process, at China pa lang mismo ang gumagamit ng teknolohiya. TDS-OFDM (Time Domain Synchronous OFDM) ang ginagamit nitong paraan ng transmission at kaya nitong mag-broadcast ng HD sa TV ng mga sasakyang tumatakbo ng 200 kph. Meron rin silang mobile TV.
- Ikaapat, ang bago ring T-DMB o Terrestrial Digital Multimedia Broadcast ng South Korea. May kahalintulad lang din ito sa DMB-T/H ng China.
- Ikalima, ang napili ng NTC na gamitin ng Pilipinas bilang DTV standard, ang Integrated Services Digital Broadcasting – Terrestrial o ISDB-T. Idi-discuss natin yan pagkatapos nito.
Ano nga ba ang ISDB-T?
Ang ISDB-T ay ang DTV standard ng Japan. Sa ISDB-T, bawat channel ay hinati sa 13 segments. At sa paghahati nito, meron 3 uri ng transmission ang maaaring gamitin sa ISDB-T.
Mula nang ginamit ng Brazil ang ISDB-T, nabuhay ang bagong uri ng ISDB-T, ang ISDB-Tb o SBTVD (Sistemo Brazilia Television Video Digital). Ang pagkakaiba lang nila ay ang ginagamit na video, audio at data file format.
Ang ISDB-T ay merong mobile TV na 1-seg, meaning one segment. Sa 13 segments ng isang channel, ang isang segment doon ay ginagamit para sa mobile TV.
Anu-ano ang tatlong uri ng ISDB-T transmission?
- Una, ang HD setup na gumagamit ng 12 segments for full-segmented TV at 1-seg for mobile TV.
- Ikalawa, ang isang EDTV o Enhanced Definition TV, isang SD at 1-seg mobile TV. Gagamit ng 8 segments ang EDTV, 4 segments sa SDTV at 1 segment para sa mobile TV.
- At ikatlo, ang multicasted SDTV na may 3 SDTV subchannels at 1-seg mobile TV. Bawat SD channel ay may 4 segments each.
Anong ISDB-T ang gagamitin ng Pilipinas?
Since may ISDB-T at SBTVD na uri, ang ISDB-T ng Pilipinas ay pinaghalong ISDB-T formats. Gagamit ng MPEG-4/AAC video/audio format na galing sa SBTVD ng Brazil at BML datacasting format na galing sa ISDB-T ng Japan.
Sa ISDB-T transmission naman, gagamit ng 2 uri ang Pilipinas. Ang HD at Multicasted SD setup.
Anu-ano na ang mga channels sa DTV?
Sa ngayon, 2 pa lang ang nasa digital platform. Ang GEM HD 49 at ang NBN 4.
The rest, under pre-implementation at testing pa rin ang ibang TV networks for DTV. Narito ang mga possible TV networks for ISDB-T transmission:
Multicasted SD | HD | TBA |
|
ABS-CBN channels · ABS-CBN 2 · Studio 23 · 5 new premium channels | TV5 | IBC 13 |
|
ETC/RPN 9 | TalkTV/SBN 21 |
| |
NBN 4 HD | RJTV |
| |
GEM HD/NET 25 | ZOE TV |
| |
| UNTV 37 |
| |
Sonshine TV |
| ||
| |||
GMA Network channels · GMA 7 · GMA News TV 11 |
Magkano naman aabutin ang STB o digital TV tuners for ISDB-T?
As of now, wala pang nagma-manufacture ng STB for ISDB-T dito sa Pilipinas. Tantiya ng magma-manufacture, aabot ang 1 STB ng hindi bababa sa P500.
Mayroon namang binebenta na mga USB TV tuners na may ISDB-T support sa Internet like eBay.
Yung mga cellphones from Japan, gagana ang 1-seg mobile TV dito sa Pinas.
Kailan naman magsisimula mag-broadcast ng digital sa Pilipinas?
Depende iyon sa TV network. Sa ngayon, 2 pa lang ang nagbo-broadcast. One is GEM HD, ang kauna-unahang High Definition FREE TV channel sa Pilipinas, at ang government network, NBN. As of today, ang mga TV networks ay under testing pre-implementation pa lang ng ISDB-T standard ng Japan.
Anong mangyayari sa analog TV?
Aba syempre, wala kang mapapanood kung wala kang STB. STB is a must for digital TV. Hindi mo masasagap ng digital signals kahit naka-rabbit ears or outdoor antenna ka pa.
Since kailangan nga mai-distribute sa mga fire at police, o kaya naman sa mga broadband service providers ang VHF, kailangang mag-switch off ang mga TV networks ng kanilang analog station at ito ay mangyayari dapat by 11:59 p.m. ng December 31, 2015.
Before ASO (analog switch-off) date ay maaari pang mag-broadcast sa analog ang mga TV networks, pero pagdating ng January 1, 2016, dapat lahat ay switch-on or migrated to DTV na.
LIKE DTV Pilipinas on Facebook
Philippines FULL TRANSITION TO DIGITAL TELEVISION COUNTDOWN:
9 comments:
Sayang naman, magiging digital na ang Channel 35 ng Delta Broadcasting System, Inc. na nagpapalabas ang El Shaddai. Saan kaya mapupunta ang DBS? Sa UHF Channel 17 ba o UHF Channel 43?
Marami pang misconceptions na nangyayari since wala pang formal na announcement ang ABS-CBN at NTC sa final list of channels na gagamitin for digital terrestrial television.
Actually, di pa rin sure kung Channel 35 or back to Channel 51 pa rin sila since wala na ngang balita about ABS-CBN's ISDB-T test.
The regulator and implementers of this government project may have forgotten the simple fact that the Philippines is an archipelago and that not all inhabited islands and remote rural areas are reached by the terrestrial off-air VHF/UHF television transmitters of the national networks or the trunk lines of the local Community Cable TV operators. What we really need is a platform that can deliver FREE television to all citizens within and outside the country (OFWs and this can be made possible by satellite television specifically satellite direct-to-home (DTH) service similar to what Dream TV, Cignal and G-SAT services.
Unfortunately, satellite DTH in the Philippines is a lucrative commercial business enterprise wherein the three existing DTH operators are reaping revenues from the marginalized citizens who have to resort to subscribing to their monthly services of either Dream TV, Cignal and G-Sat just to be able to receive Filipino-language programming from the national networks.
Although the national networks deliver their feeds to the local affiliate stations via satellite, the signals are relayed in digital encrypted format wherein a special scrambling method is applied so that only those authorized affiliates and paying cable operators can decrypt and relay the received programming to their viewers (affiliates) and subscribers (CATV). Households with satellite television receiving equipment therefore cannot view said programming and they have to either subscribe to cable television or via satellite DTH just to be able to see the channels which cannot be received in their area with an ordinary rooftop antenna. Thanks however to NBN-4, Net-25 and GEM-TV who relay their programming on-the-clear, FREE-TO-AIR (FTA) via satellite so it is possible to receive these limited number of channels without paying subscription, if the household owns a satellite receiving antenna and digital satellite set-top-box. Foreign broadcasters like BBC World, Australia Television, NHK World and Al jazeera and many other religious and foreign-language satellite TV channels are relaying their free services which can be received by homes in the Philippines in areas not reached by terrestrial TV or CATV lines.
The misfortune of certain rural dwellers in the Philippines is an opportunity for the commercial DTH services. Dream TV charges P 390 per month, Cignal at P 250 per month and G-SAT at P 200 per month for access to the ad-sponsored national networks when these same channels can just be received FREE-OF-CHARGE with a rooftop antenna for residents in urban areas. Advertisers are also unaware of the fact that this encryption is limiting the number of possible viewers of their ad campaigns that supports the network programming.
The NTC therefore has to consider these facts and make sure that the interests of the marginalized urban residents are protected. A satellite DTH platform in addition to Digital Terrestrial TV is also a necessity so all citizens can enjoy the benefits of the FREE Digital Television services. Why cannot they mandate the existing three satellite DTH operators in the Philippines to broadcast the national networks on-the-clear, FREE-TO-AIR and without encryption?
boss tanong ko lang, may lcd monitor ako na may dvi input at may cignal stb ako na hdmi out naman. Ano ang need ko para mapagana sila?
Does it mean na magiging free to air na ang myx..love it!
kasi as what i have read in your table..isa ang myx channel sa 13 segment channel ng abs cbn
hope NTC allowed this DTV broadcasting here ASAP
Anong ibig sabihin sa Multicasted SD?
@QueerGuy: Multicasted SD is a channel that consists of 3-4 SDTV channels in one frequency. IN digital you can compress those channels and fit into the 6-MHz TV bandwidth.
Totoo po ba ito? Buti na lang nakabili na ko ng SHARP Philippines Digital TV.
Post a Comment