Monday, July 26, 2010

Analog TV

Bago natin pag-usapan ang digital television, kailangan muna natin maintindihan ang pinakamadaling paraan sa pagkakaintindi ng analog television broadcasting.

Ano nga ba ang analog TV?

Ang analog television ang ating kinagisnang TV setup magmula ng magkaroon ng TV dito sa bansa. Gumagamit ito ng indoor antenna (yung “rabbit ears” na tinatawag nila, yung nakasabit sa ibabaw ng TV niyo) o kaya ng outdoor antenna (yung Baron, na nilalagay sa mga bubong ng bahay tapos may kable na nakakabit sa TV).

Sa television broadcasting, gumagamit din sila ng frequency. Ang frequency ay ang pagkakakilanlan ng mga bagay-bagay na nata-transmit sa mundo. Gaya na lang ng cellphone. Nawari niyo na ba kung pano napapadala ng mga text message na yan? Dahil mayroon silang frequency na ginagamit, exactly around 800-1900 megahertz (MHz). Ang Wi-Fi din ay may frequency na ginagamit, ito naman ay 2.4 gigahertz (GHz). Sa radio, kaya nga tayo may mga 101.9 o kaya 90.7 na alam dahil ito ang kanilang frequency. Sa TV, gumagamit tayo ng frequency from 54-800+ MHz.

Ano nga ba ang channel? Ito ay ang distribusyon o paghahati-hati ng bawat broadcaster sa mga frequency na nabanggit kanina. Sa kasalukuyan, mayroong 83 channels ang TV. Bawat channel ay may nakalaang 6 MHz na frequency.

Nahahati ang bawat channel sa 2 range ng frequency. Itinakda kasi ito ng International Telecommunications Union o ITU, isang worldwide-based system na nagtatakda ng mga standards ng mundo when it comes to communications. Ito ay ang VHF at UHF.

Sa Very High Frequency o VHF nabibilang ang mga channels 2-13. Kasama pa nga sa VHF ang FM Radio, na gumagamit ng frequency na 88-108 MHz.. Ang channel 1 ay hindi pinapagamit sa publiko dahil ito ay para sa military-based operations. Ang Ultra High Frequency o UHF naman ay from channels 14-83.

Ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawa?

Sa VHF kasi, hanggang short-distance lang ang kaya niya mag-transmit ng signal, kumpara sa UHF. Kaya ang mga VHF channels ay gumagamit ng repeater, o relay station na tinatawag (yung mga RNG o Regional Network Group ay example ng relay). Isa pang pagkakaiba nila ay ang pagkaka-apekto nito sa noise at sa mga high structures sa paligid ng transmitter. Ang VHF ay mas apektado kumpara sa UHF pagdating sa mga physical obstructions like buildings, mountains, etc.

Narito ang mga ilan sa mga channels na-divide sa VHF at UHF:

VHF Channel

Station

UHF Channel

Station

2

ABS-CBN 2

21

TalkTV/SBN 21

4

NBN 4

23

Studio 23

5

TV5

25

NET 25

7

GMA 7

29

2nd Avenue/RJTV

9

ETC/RPN 9

33

ZOE TV

11

GMA News TV 11

37

UNTV 37

13

IBC 13

39

Sonshine TV

41

Aksyon TV

Mga dapat muna nating maintindihan:

Frame Rate. Ito ay ang dami ng images na naipapadala sa loob ng 1 segundo. Ang isang video sa digicam ay gumagamit ng 30 Hz o 30 fps (frames per second), meaning may 30 frames o image ang naipapagalaw sa loob lamang ng 1 second.

Scanning. Sa TV, ang bawat image na lumalabas ay dumadaan sa scanning. Ang scanning ay matatawag din na tracing. Meron kasing lines na tinatawag, ang bawat image ay tine-trace mula taas hanggang baba ng TV na hindi talaga natin nakikita dahil sa bilis nito mag-trace. Merong 2 uri ng scanning, ang Progressive scanning at Interlaced scanning.

Sa Progressive, ito ang pag-trace ng lines sa image in 1 side only. Meaning, from left to right lang. Yung Interlaced naman, 2 alternating sides ang pag-trace ng lines sa image, isang from left to right at isang from right to left.

Aspect ratio. Ito ang ratio ng lapad at taas ng TV. Sa kasalukuyang TV, gumagamit ng 4:3 na aspect ratio. Sa pelikula, mayroon naman 16:9 na aspect ratio. Kung ikukumpara ito sa nauna, mas malapad ang 16:9 kesa sa 4:3.

Kung ipapalabas ang 4:3 sa 16:9, magkakaroon ito ng pillarbox, o yung itim sa dalawang gilid ng screen. Kung ang 16:9 naman ang ipapapalabas sa 4:3, magkakaroon ito ng letterbox, o yung itim sa taas at baba ng screen.

Video Size. Mayroong 2 video sizes ang ginagamit sa TV, ang Standard at High Definitions.

Una, ang SD o Standard Definition. Sa SD, mayroon siyang 640 x 480 na pixel size o may 640 lines na lapad by 480 lines na taas. Ito ay kung 4:3 ang aspect ratio. Pwede ring 720 x 480 kung 16:9 naman.

Ikalawa ang popular na HD, o High Definition. Sa HD, 2 ang video size na ginagamit, at 16:9 lamang ang aspect ratio nito. Una, ang 720p na tinatawag, na may 1280 x 720 na pixel size, at ang ikalawa ay ang Full HD na tinatawag na may 1920 x 1080 na pixel size.

Paano sila nagkakaiba-iba?

Pansin niyo na lang sa mga cellphone image. Gumamit ka ng VGA size (which is SD) at 2 megapixel size (which is almost Full HD) sa iisang kuha. Mapapansin na mas malinaw ang detalye ng kuha mula sa 2 megapixel na size kesa sa VGA. Ganun din sa TV. Mas malinaw ang video na makukuha sa HD kumpara sa SD. Kaya nga nitong maipakita ang mga pores at detalye ng buhok ng tao sa HD eh.

Anu-ano ang mga standards sa analog TV transmission?

Since alam na natin yung ibang kinakailangan, idi-discuss ko naman ang standards ng analog TV. Mayroon 3 uri ng analog TV transmission, una ang SECAM (Sequential Color with Memory), at pangalawa ang PAL (Phase Alternation Line). Parehas silang European standard at gumagamit ng 625 lines sa image na may frame rate na 25 Hz.

Sa Pilipinas, NTSC o National Television System Committee ang ginamit na standard mula ng magkaroon ng television dito sa bansa. Ito ay American standard at gumagamit ng 525 lines at may 30 Hz na frame rate.

Pino-portray ng sine wave, na nasa baba nito, ang analog TV. Kumbaga, kung bumaba ang signal down to 0, hindi basta basta mawawala ang napapanood mo, kumabaga from malinaw to malabo, may mapapanood ka pa rin kahit nasa gitna noon. Mapapansin din na may mga “snow” na tinatawag, o yung parang mga puti-puti na umuulan. Dahil iyon sa position ng antenna.

Napansin niyo na ba yung mga China phones na may TV? Analog TV ang gamit nila. Kung buma-biyahe kayo at nanonood kayo ng TV, mapapansin na hindi maganda manood ng TV dahil sa dami ng snow, at gumagalaw na position ng antenna.

No comments: